MGA BAKA, HANDOG PARA SA MGA REGISTERED TOBACCO FARMERS SA BAYAN NG SISON

Handog ang mga baka para sa mga Registered Tobacco Farmers na nagmula sa iba’t-ibang barangay sa bayan ng Sison.
Nasa apatnapu’t-anim na mga tobacco farmers na mula sa Barangays Amagbagan, Bantay Insik, Bulaoen West, Calunetan, Pindangan, at Pinmilapil ang napamahagian ng baka at tig-isang sako ng developer pellets for cattle supplemental feeds mula sa Tobacco Excise Tax.
Layunin naman ng pamamahagi na mabigyan ng karagdagang pagkakakitaan ang mga tobacco farmers sa pamamagitan ng Cattle Feedlot Fattening Program at Livelihood Assistance Program ng Lokal na Pamahalaan.

Samantala, hinikayat mula ng alkalde ng bayan ang patuloy na pagtatanim ng mga tabako dahil suportado naman ito ng lokal na pamahalaan ng Sison at inaasahan ang malawakang paglago nito. |ifmnews 
Facebook Comments