Pakikipag-tulungan sa mga pribadong sektor para sa pagpapabilis ng implementasyon ng National ID System, iminungkahi ng NEDA

Hinimok ni National Economic and Development Authority (NEDA) Acting Sec. Karl Kendrick Chua ang gobyerno na makipagtulungan sa mga pribadong sektor sa bansa para sa pagpapabilis ng implementasyon ng National I.D. System.

Ayon kay Chua, kailangang mapabilis ang proseso ng rehistrasyon ng National I.D. kasabay ng pagsunod sa health protocols kung ito ay isasagawa.

Sinabihan din niya ang Philippine Statistics Authority (PSA) na siyang pangunahing nangangasiwa sa implementasyon na magkaroon ng “Two-Track System” para mapabilis ang proseso.


Target ng NEDA na makapag-register ang aabot sa limang milyong sambahayan na nakatakdang magsimula sa Nobyembre.

Facebook Comments