PAKIKIPAG-UGNAYAN NG PROVINCIAL GOVERNMENT NG PANGASINAN SA NATIONAL GOVERNMENT PARA SA MGA PROGRAMANG ILULUNSAD SA LALAWIGAN, NAGHAHANDA NA

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa National Government sa pamamagitan ni Sen. Alan Cayetano tungo sa ilang proyekto at programang nais ilunsad sa lalawigan.
Pahapyaw na tinalakay ng Senador ang pagpapatayo ng mga health facilities sa lalawigan ng Pangasinan na bukod layuning maisaalang-alang ang kapakanang pangkalusugan ng mga Pangasinense, ito rin ay upang ipakita ang pagsuporta sa mga bara-barangay.
Tinukoy ni Cayetano ang kahalagahan ng mga nasa grassroot levels o ang mga barangay officials sa pagsasakatuparan ng mga magpapaunlad sa lalawigan.

Bilang magiging inspirasyon sa healthcare program na pinaghahandaan ang mga health Centers sa bayan ng Tayug na mayroong kumpletong laboratories at kagamitan, may bente kwatro oras na serbisyo, Philhealth-Accredited at may sariling parmasya.
Samantala, sa pagpapatuloy nito ay bukas ito sa mga alkalde, gobernador sa partnership na magaganap na mas magpapagaan at magpapabilis sa mithiing maglunsad ng programang para sa lahat. |ifmnews
Facebook Comments