Itinuturing na premature ni Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President and Chief Executive Officer (CEO) Ricardo Morales na makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte para talakayin ang umano’y korupsyon sa ahensya.
Ayon kay Morales, hindi pa napapanahon na kausapin ang Pangulo kung wala pa namang resolusyon sa problema.
Aniya, walang large scale corruption sa PhilHealth bagkus mayroon lamang inefficiencies sa sistema.
Giit pa ni Morales, may mga maling napasok na dokumento sa pagclaim ng health insurance pero walang sindikato sa korupsyon.
Wala rin aniyang nawawalang P154 bilyong pondo sa PhilHealth.
Hindi aniya ma-substantiate ng Commission On Audit (COA) na nawawala ang pondo mula 2013 hanggang 2017.
Facebook Comments