Alam ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pakikipagpulong ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jin Ping sa Beijing, China kamakalawa.
Pahayag ito ni Pangulong Marcos nang tanungin sa ambush interview sa Food Stamp Program event sa Maynila kung may permiso ito mula sa kanya.
Ayon sa pangulo, hindi na kailangang humingi pa ng permiso sa kanya.
Ang mahalaga ayon sa pangulo ay mayroong bagong line communications sa pagitan ng China at Pilipinas.
Hindi aniya mahalaga kung sino ang nakipag-usap ang mahalaga ay may tumutulong para magkaroon ng progress ang kasalukuyang isyu sa pagitan ng bansa at China.
Sigurado naman daw ang pangulo na babalitaan siya ni dating Pangulong Duterte sa kanilang naging pag-uusap ni Chinese Xi Jin Ping.
Umaasa rin ang pangulo na may magandang resulta ang pakikipag-usap ni dating Pangulong Duterte kay Chinese Xi Jin Ping.