Pakikiramay sa huling burol ng mga biktima ng masaker sa Bulacan, bumuhos

Manila, Philippines – Bumuhos ang pakikiramay sa huling burol ng pamilyang minasaker sa San Jose Del Monte Bulacan.

Mahigpit ang ipinatutupad na burol sa pamilya Carlos dahil sa inaasahang pagdating ni pangulong Rodrigo Duterte sa naturang huling lamay.

Ayon kay Dexter Carlos Sr. nagpaabot siya ng taos pusong pasasalamat sa lahat ng mga nakikiramay sa kanyang pamilya na galing pa sa ibat ibang probnsiya sa Davao at Ilocos Region.


Pinasasalamatan din ni Carlos si Pangulong Duterte na inaasahang darating upang personal na ipaabot ang kanyang pakikiramay kasabay ng pagtiyak na mananagot sa batas ang sinumang may kagagawan sa naturang karumal dumal na krimen.

Facebook Comments