Batay sa inilabas na Executive Order no. 07-2022 series of 2022 ni Isabela Governor Rodito Albano III, hinihikayat ang lahat ng mga nasa tanggapan ng gobyerno, non-government Offices, paaralan, hospitals, bangko, business stablishments, mga nasa private at public market, kooperatiba at organisasyon, private sectors at mga households na maging bahagi sa isasagawang “Todas Dengue, Todo Na’to (Ika-siyam na kagat)” sa Linggo.
Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, ang nasabing aktibidad ay kasunod na rin ng mataas na naitalang kaso ng dengue sa probinsya na umaabot sa mahigit isang libong kaso.
Umaasa aniya ang provincial government na sa pamamagitan ng sama-samang paglilinis sa kapaligiran ay agad na mapupuksa ang mga pinangingitlugan at pinamamahayan ng mga lamok; mapipigilan ang lalong pagdami ng mga lamok at maiiwasan din ang lalong pagtaas ng kaso ng dengue.
Sa pinakahuling tala ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit o PESU Isabela, mayroon ng 1,377 na dengue cases ang naitala ng probinsya simula buwan ng Enero hanggang sa kasalukuyang buwan ng ng Hunyo.