Manila, Philippines – Hinikayat ni Senator Kiko Pangilinan ang lahat na maging mahigpit sa pagbabatay sa implementasyon ng Rice Tariffication Law.
Ayon kay Pangilinan, ito ay para matiyak na makikinabang ang mga magsasaka at industriya na syang pinangangambahang maapektuhan sa inaasahang labis na pag-agos ng bigas sa bansa.
Binigyang diin ni Pangilinan na nakapaloob sa batas ang pagbibigay ng iba’t-ibang benepisyo para sa mga magsasaka bukod pa sa P10 bilyon na rice enhancement fund mula sa buwis na ipapataw sa mga imported nabigas.
Ipinaliwanag ni Pangilinan na habang ipinagmamalaking remedyo sa mataas na presyo ang pagsasabatas sa Rice Tariffication ay nakikita rin ng ilang grupo ng mga magsasaka na papatay ito sa lokal na industriya ng bigas.
Hinggil dito ay iginiit ni Pangilinan sa executive department na siguraduhing makakamit ang diwa at layunin sa pagpapatupad ng nabanggit na batas para hindi umaray ang sektor ng pagsasaka.