Pakistan, isinailalim na sa economic crisis matapos nasawi ang mahigit 900 indibidwal dahil sa malawakang pagbaha

Isinailalim na sa economic crisis ang Pakistan matapos ang nararanasang malawakang pagbaha doon.

Kasunod na rin ito ng matinding pagbaha bunsod ng ilang araw na pag-ulan sa ilang lugar.

Kaya naman, nanawagan si Prime Minister Shahbaz Sharif ng tulong sa international partners para sa relief efforts, reconstruction at rescue operation para sa mga naapektuhan ng pagbaha.


Nabatid na sumampa na sa mahigit 900 ang mga nasawi kabilang ang 326 na mga bata bunsod ng pagbaha sa nasabing bansa.

Nasa mahigit 1,300 katao naman ang naitalang sugatan.

Habang, nawasak ang 95,350 na kabahayan at 129 na mga tulay ang nasira dahil sa pagbaha.

Mula pa noong Hunyo ay nakakaranas na ng matinding pag-ulan ang Pakistan na kung saan mahigit 2.3 milyong indibidwal na ang apektado.

Facebook Comments