Pakistani pinagbabatil patay sa bayan ng Pikit North Cotabato

Isang Pakistani ang pinagbabaril hanggang sa mapatay kaninang hapon sa bayan ng Pikit sa lalawigan ng North Cotabato .
Kinilala ng Pikit MPS ang biktima na si Ehtesham Ul Haq, 37 anyos , negosyante pansamatalang naninirahan sa barangay Poblacion Pikit.
Nangyari ang pamamaril dakong alas 3:45 ng hapon kanina sa barangay Dalingaoen Pikit sa tapat ng Andan store. Agad nasawi ang biktima dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang katawan.
Sakay ng kulay pulang XRM na motorsiklo ang biktima na may plakang MC 3003 KW at angkas nito ang isang nagngangalang Christopher Espartero ng mangyari ang pamamaril.
Inaaalam pa ngayon ng Pikit Pnp kung sino ang mga salarin at ang motibo sa pamamaril.(Jesy Ali)

Facebook Comments