Regine Velasquez – aminadong nawalan ng self-confidence matapos ang kanyang silver concert noong 2012

Manila, Philippines – Inamin ng singer-actress na si Regine Velasquez na dumating siya sa point ng buhay niya na nawalan siya ng self-confidence.

Sa unang gabi ng concert niya nitong weekend, nagbalik-tanaw si Regine sa nangyari sa silver concert niya noong 2012 kung saan siya nawalan ng boses.

Pag-amin ng song bird diva, natakot siya na magtanghal ulit sa entablado dahil sa nangyari.


Pero sa kanyang 30th anniversary concert sa MOA, pinasalamatan ni Regine ang kanyang fans dahil sa patuloy nilang pagtitiwala sa singer sa kabila ng nangyari noon.

Naging matagumpay naman ang two-night R3.- concert ni Regine na ginanap sa moa area noong October 21 at 22.

Facebook Comments