Nakikipagtulungan na sa gobyerno ang Philippine Airlines at Cebu Pacific na sinakyan ng babaeng Chinese na unang kaso ng novel coronavirus acute respiratory disease sa bansa.
Ang Cebu Pac ay kino-contact na ang mga nakatabi ng pasyente sa eroplano.
Hindi rin muna pinalipad ang mga eroplanong sinakyan ng Ch inese.
Naabisuhan din ang mga piloto at crew ng eroplano, at hindi sila nakitaan ng sintomas ng n-CoV ARD.
Isinailalim naman ng PAL sa quarantine ang dalawang piloto at apat na cabin crew ng eroplanong sinakyan ng Chinese mula Dumaguete patungong Maynila.
Sa ngayon, patuloy ang contact tracing ng DOH sa iba pang nakasalamuha ng pasyente.
Facebook Comments