PAL, gagamit ng malalaking eroplano sa pagbiyahe ng COVID-19 vaccines

Handang-handa na ang Philippine Airlines (PAL) sa pagbiyahe ng mga parating na COVID-19 vaccines mula sa mga bansang panggagalingan nito na inaasahang magsisimulang dumating sa mga susunod na linggo.

Sinabi ni PAL Spokesperson Cielo Villaluna na bago pa man ang pandemyang tumama sa bansa, nakakapagbiyahe na ang kanilang mga eroplano ng mga pharmaceutical products.

Nakahanda na aniya ang kanilang mga malalaking eroplano tulad ng Boeing 777 na may kakayahan para sa cargo hold area na magsakay ng mga COVID-19 vaccines.


Sinabi ni Villaluna na ang naturang mga eroplano ng PAL ay mayroong proper ventillation para matiyak ang tamang temperatura ng mga bakunang ibibiyahe sa bansa.

Sumasailalim din aniya sa training ang kanilang mga staff para sa pagbibiyahe ng mga pharma products gamit ang dry ice bilang refrigerants sa mga bakuna.

Facebook Comments