PAL, hindi makakagamit ng runway ng NAIA kung hindi magbabayad ng buwis

Manila, Philippines – Binigyan lang ng 10 araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang negosyanteng si Lucio Tan na bayaran ang utang nitong buwis sa gobyerno.

Ayon sa Pangulo, sakaling mabigo ang negosyante na si Tan na bayaran ang utang nito ay hindi magagamit ng Philippine Airlines ang Airport.

Paliwanag ng Pangulo, kabilang ang Philippine Airlines sa mga hindi nagbabayad ng paggamit sa runway ng ninoy Aquino International Airport.


Binigyang diin pa ng Pangulo na wala siyang pakialam sa negosyo ni Tan dahil hindi naman aniya niya tinanggap ang donasyon nito noong halalan.

Facebook Comments