PAL, nag-airlift ng panibagong mga bakuna sa Visayas at Mindanao

36

Panibagong 149,600 doses ng bakuna ang inilipad ng Philippine Airlines (PAL) patungong Visayas at Mindanao.

Kabilang dito ang 44,400 doses na dinala ng PAL ngayong araw patungong Cebu, 28,800 doses naman sa Iloilo, 20,400 doses sa Butuan, habang sa Cagayan de Oro ay 27,600 doses at sa Davao ay 28,400 doses.


Matatandaang ang PAL din ang nag-airlift ng 1.9 million doses ng Sinovac mula Beijing, China nitong nakalipas na buwan.

Facebook Comments