Naghain ang Philippine Airlines (PAL) ng Chapter 11 bankruptcy protection sa Amerika matapos malugi at bawasan ang fleet size nito ng 25 percent dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa PAL, umaasa sila na ngayong nakapaghain na ng bankruptcy protection ang kompanya ay makagagawa ito ng restructure at makapagre-reorganisa para makabangon sa gitna ng pandemya.
Tiniyak naman ng PAL na hindi maapektuhan ang flights operation nito dahil nakapaghain naman sila ng Chapter 11 creditor protecting proceedings sa Southern District ng New York.
Maliban dito, maghahain din ang PAL ng parallel filing for recognition sa Pilipinas sa ilalim ng Financial Insolvency and Rehabilitation Act of 2010.
Facebook Comments