Naglaan ng special flights ang Philippine Airlines (PAL) para sa mga pasaherong naapektuhan ng travel ban sa mga lugar sa China na apektado ng 2019 Novel Coronavirus (nCoV).
Ang mga special flight ng PAL ay bilang boluntaryo sa serbisyo ng mga piloto at cabin crew na may rutang Manila-Xiamen at Xiamen-Maynila.
Plano ng flag carrier na gamitin ang 199-seater na Airbus A321 para sa nasabing misyon na nakatakda sa Lunes, February 10 ,2020.
Ang papasok na flight mula Xiamen ay magpapahintulot sa mga Pilipino na may hawak na mga permanenteng visa pabalik ng Pilipinas.
Habang ang flight departure na mula Maynila patungong Xiamen ay magbibigay daan naman para sa mga Chinese at iba pang dayuhan na makabalik sa mainland China at lalapag ng Xiamen Gaoqi International Airport.
Ang nasabing special flight PR 334 ay aalis sa Maynila patungong Xiamen sa ganap na 7:30 ng umaga sa Pebrero 10, at inaasahang dadating ng 9:55 ng umaga sa Xiamen.
Habang ang flight PR335 mula Xiamen pabalik ng Manila na alas-11 ng umaga, ay inaasahang darating ng ala-1:50 ng tanghali sa NAIA terminal 1.