PAL, pinayuhang maglaan ng tatlong oras bago ang departure ang mga pasahero

176

Pinayuhan ng Philippine Airlines (PAL) ang mga pasahero na dumating ng mas maaga bago ang kanilang departure.

Ito ay dahil sa inaasashang pagtaas ng bilang ng mga pasaherong bibiyahe ngayong undas.

Sa statement ng PAL, hinihikayat ang mga pasahero na maging maaga sa kanilang scheduled flight mula October 25 hanggang November 4, 2019.

Tatlong oras na mas maaga kapag International Flights habang dalawang oras naman kapag Domestic Flights.

Nanawagan din ang PAL sa mga pasahero nitong regular na i-check ang kanilang Flight Status at Terminal Assignments.

Facebook Comments