PALABAS LANG? | Kampo ni VP Robredo, naniniwalang ginagamit lamang ni dating Senador Bongbong Marcos ang usapin ng dayaan para sa kanyang kandidatura sa 2019 Election

Manila, Philippines – Muling iginiit ng kampo ni Vice President Leni Robredo na ginagamit lamang ni dating Senador Bongbong Marcos ang pag-akusa kay Robredo na nandaya dahil umano sa plano nitong tatakbo sa 2019 National Election.

Sa ginanap na Presscon sa Manila, umapela si Atty. Romulo Macalintal abogado ni Robredo kay Marcos na tigilan na ang paggamit sa pangalan ni VP Leni para lang sa kapakanan ng kanyang kandidatura.

Naniniwala si Makalintal na tatakbo talaga si Marcos sa 2019 National Election at ginagamit nito ang usapin ng dayaan sa nakaraang National Election upang madali siyang maalala ng publiko.


Paliwanag ni Macalintal, hindi nauunawaan ni Marcos sinasabi nitong square sa balota dahil hindi siya dumalo sa mga ipinatatawag ng COMELEC.

Giit ni Macalintal, kaya mayroong square dahil ito ay special features, ibig sabihin aniya na ang boto ay binilang sa isang kandidato na mayroong square at dapat ay 25 percent o higit pa ang boto para mabilang sa isang kandidato mayroong shade sa balota.

Facebook Comments