TOTAL BAN | Pagpigil ng Bureau of Immigration sa OFWs na papasok sa Kuwait, epektibo na ngayong araw

52

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na epektibo na kaninang alas siete ng umaga ang pagtalima nila sa direktiba ng Labor Department hinggil sa total deployment ban sa Kuwait.

Ayon kay Red Marinas, head ng Port Operations Division ng BI, sakop nito ang mga OFWs na bago pa lamang papasok sa Kuwait at ang may mga existing contract na nagbabakasyon lamang sa Pilipinas.

Nilinaw naman ni Marinas na papayagan nilang magtungo sa Kuwait ang may mga family visit visa.

Gayunman, hihintayin muna aniya nila ang ipapalabas ng DOLE na Implementing Rules and Regulations hinggil dito.

Inaasahang ngayong araw ilalabas ng Labor Department ang naturang IRR.

Facebook Comments