PALABAS LANG | Price monitoring ng gobyerno, palusot lamang sa pagkukulang ng pamahalaan – militanteng mambabatas

Manila, Philippines – Pinaratangan ni Gabriela Rep. Emmi de Jesus na palabas lamang ang price monitoring ng gobyerno sa mga pamilihan sa bansa.

Ito ay kaugnay sa striktong pagpapatupad ng Department of Trade and Industry at ng Department of Agriculture ng suggested retail price o SRP sa bigas at iba pang pangunahing bilihin.

Giit ni de Jesus, nais lamang ipakita ng ginagawang pagtatakda ng SRP na may ginagawa ang gobyerno sa kabila ng mga reklamo tungkol sa nagtataasang presyo ng bilihin dulot ng TRAIN Law.


Aniya, ang pinaigting na price monitoring sa mga pamilihan ay PR stunt lamang para pagtakpan ang pamahalaan sa patuloy na pagtanggi na ibasura ang TRAIN Law at dagdagan ang sahod ng manggagawa.

Sinabi pa ni de Jesus na ipinapasa ng pamahalaan ang sisi sa mga maliliit na negosyante kaugnay sa pagtaas ng bilihin gayong ito ay dala ng epekto ng TRAIN.

Dagdag pa ng mambabatas, hindi naman mababawasan ang pondo para sa social services kung tatanggalin ang TRAIN dahil ang TRAIN Law naman ay tumitiyak para sa pondo ng Build Build Build program at military infrastructure.

Facebook Comments