Nakasungkit ng bigating record deal ang isang palaboy na Russian singer matapos kumalat sa social media ang video ng kanyang pagkanta sa subway sa Los Angeles.
Sa ulat ng TMZ, inalok ng Grammy-nominated music producer na si Joel Diamond ng isang “classical-EDM crossover” ang subway soprano na si Emily Zamourka.
Ayon kay Diamond, tatawaging “Paradise” ang record na ilalabas sa Silver Blue Records na sinimula niya noon pang 1973.
Nadiskubre ng producer ang sumisikat na ngayong singer matapos i-upload ng Loas Angeles Police Department ang video ng performance ng 52-anyos na subway singer na nagpabilib sa internet.
4 million people call LA home. 4 million stories. 4 million voices…sometimes you just have to stop and listen to one, to hear something beautiful. pic.twitter.com/VzlmA0c6jX
— LAPD HQ (@LAPDHQ) September 27, 2019
Si Zamourka ay lumipat sa United States dalawang dekada na ang nakararaan para magturo ng violin at piano hanggang sa tamaan siya ng sakit.
Nang hindi na kayanin ang gastusin sa pagpapagamot, naging palaboy ang kilala ngayong subway singer.
“I have people that feel sorry for me, but I don’t want to be a burden to anybody,” ani Zamourka sa ABC 7.
Ayon din sa TMZ, nagkaroon na ng gig sa isang Italian heritage event sa Losa Angeles nitong Sabado.