Palace Spokesperson Harry Roque, nagbabala sa mga estudyante ng Ateneo na sila ay babagsak kapag itinuloy ang strike

Nagpaalala ang Malacañang sa mga mag-aaral ng Ateneo de Manila University na babagsak sila kapag hindi sila sumunod sa academic requirement dahil sa kanilang pinagpaplanuhang student strike.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaaring hindi maka-graduate ang mga estudyante kapag bigo nilang maibigay ang requirements ng kanilang eskwelahan.

Nabatid na nagdeklara ng strike ang mga estudyante ng unibersidad para kondenahin ang pabayang pagtugon ng gobyerno sa mga nagdaang bagyo at sa COVID-19 pandemic.


Simula November 18, hindi sila magpapasa ng anumang school requirements hanggang maibigay ng gobyerno ang kailangan ng mga taong nasalanta ng kalamidad at pandemya.

Naniniwala rin sila na hindi pa maaaring magbalik sa normal hanggang maraming tao ang naghihirapan sa panahong ito.

Hinamon din ng Ateneans ang mga opisyal ng gobyerno na gampanan ng maayos ang kanilang tungkulin o magbitiw na lang sa kanilang pwesto.

Facebook Comments