PALAISIPAN | Isang mambabatas, ipinagtataka kung bakit hindi ipinatutupad ng LTFRB ang department order ng DOTr

Manila, Philippines – Naging palaisipan kay PBA Partylist Congressman Jericho Nograles kung bakit hindi ipinatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang bagong Department Order 2017 ng DOTr na pinagbabawalan ng mangolekta ng 2 pesos per minutes charges ang Transport Network Company na Grab Philippines.

Sa ginanap na forum sa Samahang Plaridel Kapihan sa Manila Hotel sinabi ni PBA Partylist Jericho Nograles wala ng karapatan ang Grab Philippines sa bagong Department Order ng DOTr na nagbabawal ng maningil ng 2 pesos per minutes charges dahil walang kalaban laban dito ang mga tumatangkilib ng Transport Network Company (TNC).

Paliwanag ng mambabatas mahigpit din niyang tinututulan ang pangongolekta ng Grab sa mga driver para bayaran ang kanilang refund dahil isa itong large scale at syndicated estafa na walang piyansa para rito.


Dagdag pa ni Nograles na 2 million rides per week ang Grab ang kinikita ng naturang TNC pero karamihan sa kanila ay tumatanggi isakay ang isang pasahero kung saan tinawag niya itong modus.

Dahil dito ipinag-utos ng LTFRB noong Setyembre 2015 na tanggalin ang kapasidad ng kanilang driver na makita ang cost of trip at destinasyon ng pasahero upang maiwasan ang pagtanggi o pamimili ng pasahero ng mga driver pero hindi pa rin daw sumusunod ang Grab sa kautusan ng LTFRB.

Facebook Comments