Manila, Philippines – Palalakasin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kampanya laban sa tax fraud.
Ayon kay BIR Deputy Commissioner for Operations Arnel Guballa, inatasan na ang mga regional at district officials sa buong bansa na habulin ang mga taxpayer na regular na naghahain ng tax return pero hindi binabayaran ang kaakibat nitong buwis.
Tumataas kasi aniya ang bilang ng taxpayers ang naghahain ng returns sa pamamagitan ng Electronic Filing and Payment System (EFPS) nang hindi nire-remit ang tax due.
Lumabas sa record ng BIR na karamihan sa mga pasaway na taxpayer ay mula sa Batangas at Cavite, at sinampahan na ng kasong tax evasion.
Facebook Comments