Manila, Philippines – Kasabay ng paglobo ng kaso ng early pregnancy, sexual violence, at human-immunodeficiency virus (HIV) sa hanay ng mga kabataang Pilipino, palalakasin pa ng Department of Education ang kanilang Comprehensive Sexuality Education (CSE) sa mga paaralan.
Sa ilalim ng DepEd Order No. 31, series 2018 (DO 31), layon nitong ipaindindi sa mga kabataan mula sa Elementarya hanggang Senior High School, ALS at SPED, pampubliko man o pribadong paaralan ang mga tamang impormasyon sa reproductive health, values at life skills upang maabot ng mga kabataan ang kanilang potensyal.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, dahil sa pagdami ng mga issues na kinahaharap ng mga kabataan, kaya mas lalo dapat silang gabayan upang makapagdesisyon ng tama.
Sa CSE, tatalakayin ang sekwalidad sa aspeto ng cognitive, emotional, physical at social. Kung saan magiging age, cultural at gender sensitive ang approach dito.
Kailangang ring maging involve ang mga magulang, guro, community associations, school officials, civil society organizations, at iba pang grupo, sa pag gagabay sa mga kabataan upang hindi maligaw ng landas ang mga ito.