PALALAKASIN | International Earthquake Response Exercise, isasagawa sa Pilipinas

Manila, Philippines – Isasagawa sa Pilipinas sa ikalawang pagkakataon ang International Search and Rescue Advisory Group (INSARAG) Asia Pacific Regional Earthquake Response Exercise(AP-ERE).

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Director Edgar Posadas mismong NDRRMC ang mag-ho-host ng pagsasanay na gagawin sa Clark Pampanga sa June 25 hanggang June 29.

Ang INSARAG ay global network na nasa ilalim ng United Nations na may kaugnayan rin sa Urban Search and Rescue o USAR na isinasagawa sa ibat-ibang bansa.


Layon nitong palakasin ang response capacity ng lahat ng bansa sa mga mangyayaring malalakas na lindol.

Sa limang araw na event na ito, tatlong araw ay exercise preparation phase susundan ng dalawang araw ng simulation exercise phase.

Aabot sa 23 mga bansa nationwide ang makikiisa sa Pacific Regional Earthquake Response Exercise.

Facebook Comments