PALALAYAIN | Pamilya Castillo, nirerespeto ang desisyon ng Korte Suprema na palayain si Arvin Balag

Manila, Philippines – Nirerespeto ng pamilya ng hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo III ang desisyon ng Korte Suprema na palayain sa pagkakakulong sa Senado ang presidente ng Aegis Juris Fraternity na si Arvin Balag.

Ayon kay Horacio Castillo Jr., ama ni Atio, bagama’t umasa silang mas tumagal pa sana sa Senado si Balag, kailangan nilang sumunod sa batas.

Nangako naman ang pamilya ng UST law freshman na hindi sila titigil para makamit ang katarungan sa pagkamatay ng kanilang anak.


Matatandaang si Balag ay isinailalim sa kustodiya ng senado noong Oktubre 18 matapos ilang beses na tumangging sumagot sa pagdinig ng senate public order committee.
Noong Huwebes naman nang isilbi sa senate sergeant at arms ang ipinalabas na resolusyon ng Korte Suprema na nag-aatas na palayain na si Balag.

Facebook Comments