Palanan, Isabela, Nakakaranas na rin ng Pagbaha!

Cauayan City, Isabela- Binabaha na rin ang ilang bahagi ng bayan ng Palanan na isa sa mga coastal towns ng Lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Ginoong Jose Marie Monteclaro, pinuno ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), dulot aniya ito ng biglaang pagbuhos ng malakas na ulan na bahagyang ikinasira ng kanilang pangkabuhayan.

Mayroong anim (6) na kalabaw at isang (1) baka ang naitalang namatay matapos na hindi agad mailikas ng mga may-ari ng alagang hayop dahil sa hindi inaasahang pagbuhos ng ulan.


Kaugnay nito, nakahanda na aniya ang kanilang ipamimigay na relief packs para sa mga apektado ng pagbaha.

Patuloy rin ang kanilang monitoring sa mga apektadong lugar katuwang ang kapulisan at kasundaluhan at nakahandang magpatupad ng force evacuation.

Mensahe naman ni Monteclaro lalo sa kanyang mga kababayan na maging alerto, mapagmatyag at sumunod sa mga abiso ng mga kinauukulan.

Facebook Comments