Manila, Philippines – Muling nagkampeon ang National Capital Region (NCR) sa naganap na Palarong Pambansa 2017 sa Antique matapos itong sumungkit ng 98 gintong medalya sa iba’t ibang laro
Nasa ikalawang puwesto naman ang region 4-A na may 41 gold medals na sinundan ng host region na Western Visayas na humakot ng 38 gintong medalya.
Kinilala bilang most decorated medalist si Vermuel Verdadero makaraang maghari sa 100, 200, 400 meter run, 4×100 meter relay at 4×400.
Samantala, sa pagtatapos ng isang linggong kompetisyon sa iba’t ibang larangan ng palakasan, idineklara ni Antique Governor Rhodora Cadiao na “successful” ang pag-host ng lalawigan sa pinakamalaking sporting event.
Si dating Senate President Franklin Drilon ang naging keynote speaker sa closing ceremony ng premier sporting event sa bansa kung saan ipinagmalaki nito ang malaking ipinagbago at progreso sa lalawigan.