Ilang leaders ng Association of South East Asian Nations na dumalo sa summit, nakaalis na ng bansa

Manila, Philippines – Nakaalis na kagabi sa bansa ang ilang leaders ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) na dumalo sa summit.

Kabilang sa mga umuwi ay sina Vietnam Prime Minister Nguyen Xuan Phuc at asawang si Tran Nguyet Thu.

Dakong alas-10:00 ng gabi naman bumalik sa kanilang bansa si Suu Kyi ng Myanmar.


Pero bago umalis ang dalawa ay una na ring umalis sina Sultan Haji Hassanal Bolkiah at Mu’izzaddin Waddaulah ng Brunei Darussalam.

Samantala, bago umalis sa bansa ang mga lider matapos ang ASEAN Summit ay nagkaroon muna ng gala na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Facebook Comments