PALARONG PAMBANSA | Region 2 at NCR, tabla agad sa partial unofficial medal tally

46

Ilocos Sur – Tabla agad sa partial unofficial medal tally sa unang araw ng Palarong Pambansa 2018 ang Cagayan Valley Regional Athletic Association o region 2 at ang defending champion na National Capital Region (NCR).

Kapwa nakasungkit ang dalawang rehiyon ng tig-dalawang gold medals habang pangalawa sa listahan ang Bicol region na nakakuha ng gintong medalya sa 3000 meter-run.

Nasungkit ito ni 13-anyos na si Lheslie De Lima mula Camarines Sur na tumakbong nakayapak.

Samantala, may dalawang silver medals na ang MIMAROPA o Region 4-B, isang silver at dalawang bronze medal ang western Visayas, isang silver medal sa northern Mindanao at dalawang bronze para sa region 12.

Nagpapatuloy pa ang Palarong Pambansa sa Vigan, Ilocos Sur na magtatapos sa April 21.

Facebook Comments