MAY PATAMA | Neri Naig, may payo sa mga netizen na baon sa utang

88

Manila, Philippines – May patama ang dating aktres na si Neri Naig sa mga netizen na aniya’y baon na sa utang pero panay pa rin ang gala.

Say ni Neri, may mga natatanggap kasi siyang mensahe mula sa ilang netizens na humihingi ng tulong pinansyal dahil hirap daw sa buhay.

Gayunman, dismayado siya dahil ilan daw sa mga ito, umaaming “baon sa utang” pero panay naman daw ang gastos sa kung anu-anong luho.

Kaya payo niya sa mga netizen, magtrabaho at mag-ipon.

Matapos ikasal noong 2014 sa lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, mas pinili na lang ni Neri na tumutok sa sarili niyang business.

Giit pa niya, mula sa sarili niyang sikap ang kinikita niyang pera.

Facebook Comments