Manila, Philippines – Tanggap ng palasyo na hindi talaga madaling bigyang solusyon ang tumitinding problema sa mabigat na trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar wala talagang “silver bullet solution” ommanilis na solusyon sa mabigat na trapiko partikular sa EDSA.
Pero tiwala aniya siyang malapit na itong maresolba dahil sa patuloy na pagsisikap at pagpaplano ng pamahalaan.
Suportado naman ni Andanar ang panukalang ilipat sa labas ng Metro Manila ang ilang national government offices para ma-decongest ang Metro Manila.
Nabatid na isa lamang sa mga proyekto ng administrasyon na sinasabing magpapabilis ng daloy ng mga sasakyan sa metro manila ay ang pagtatayo ng subway system mula NAIA hanggang Quezon City na inaasahang matatapos sa 2025.