Palasyo, aminadong malabo ang panuntunan noon ng DOH hinggil sa home quarantine

Hindi naging malinaw ang inilabas na guidelines noon ng Department of Health (DOH) kaugnay sa home quarantine ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 pero mayroong mild symptoms.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi agad nalinaw ng DOH na dapat ay mayroon palang sariling banyo at kwarto ang isang pasyente upang angkop na sumailalim sa home quarantine.

Nagkaroon aniya ng kalituhan at posibleng isa ito sa mga dahilan kaya tumaas ang transmission ng virus.


Pero ngayon, binago na ito ng pamahalaan at tanging ang mayroon lamang sariling banyo, kwarto at walang kasamang nakatatanda, buntis at may karamdaman ang papayagang sumailalim sa home quarantine.

Kasunod nito, hinihikayat ng kalihim ang mga nagpositibo sa COVID-19 na magtungo sa mga quarantine facilities upang hindi na makahawa pa ng iba.

Facebook Comments