Palasyo, bukas na pababain pang lalo ang presyo ng RT-PCR test

Welcome sa Palasyo ng Malakanyang ang posibilidad na mas pababain pa ang presyo ng RT-PCR test.

Sa harap narin ito ng pangangailangang mas dapat mapaigting ngayon ang COVID-19 testing sa gitna ng mas dumaraming kaso ng COVID-19.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexei Nograles, ngayong may makabago ng mga teknolohiya para madetermina ng mas mabilis ang resulta ng swab test, maaari nang magkaruon ng re-assessment sa paniningil ng RT-PCR test.


Ani Nograles, ang DOH ang dapat na may inisyatibo para maibaba ang presyo ng RT- PCR.

Una ng nagtakda ang pamahalaan ng price cap sa COVID-19 testing matapos pumalo ng hanggang P8,000 – P10,000 ang singil sa ilang mga laboratoryo nuong kasagsagan ng pandemya.

Sa ngayon ay nasa P3,000 – P4,000 ang singil sa swab test na para sa karamihan ay nananatili paring mataas o mahal ang presyo.

Facebook Comments