Bakuna laban sa COVID-19 sa Pasay City, muling magpapatuloy ngayong araw

25

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Pasay na muling aarangkada ngayong araw ang kanilang bakunahan kontra COVID-19.

Batay sa kanilang abiso, ngayong araw magsasagawa ng bakunahan para sa first dose, second dose at booster shots sa mga lugar ng bakunahan ng lungsod.

Ito ay ang Double Dragon Plaza at Pasay SM-MOA giga vaccination center.


Ang mga pwedeng magpabakuna ang mga indibidual na kabilang sa mga kategoryang ng health workers, senior citizens, frontline workers, mga maysakit, persons with disability, mahihirap na sector, at mga bata o mga menor de edad.

Nagsimula ang kanilang bakunahan pasado alas-8:00 ngayong umaga at matatapos naman mamayang alas-4:00 ng hapon.

Payo naman ng pamahalaang lungsod sa nais magpabakuna na mag dala ng ID at huwag din kalimutan ang vaccination ID para sa mag papa-second dose at booster shots.



Facebook Comments