Palasyo bukas sa rekymendasyong 4day work week

Pakikinggan ng palasyo ang mga rekomendasyong magmumula sa mga ahensya ng pamahalaan kaugnay sa apela ng ilang mambabatas na ikonsidera ang 4-day work week para sa non- frontline offices ng pamahalaan.

 

Kung matatandaan, sinabi ni House Minority Leader Bienvenido Abante Jr., na isinusulong ng minority bloc ang adoption ng 4-day work week sa private sector at non-frontline national government offices o ‘yung mga ahensya ng pamahalaan na wala namang kinalaman sa pagresponde sa emergency situations, health system at ‘yung mga hindi direktang nagbibigay serbisyo sa publiko, bilang isang paraan sa pagpapagaan ng trapiko sa mga pangunahing kalsada.

 

Inaapela rin ng mga mambabatas ang pagma- maximize ng telecommuting law o ‘yung work from home law.


 

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pagaaralan nila ang lahat ng rekomendasyon na magmumula sa lahat ng departamento at ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of Labor and Employment kaugnay sa usaping ito.

Facebook Comments