100 tauhan ng PNP Highway Patrol group nakatangap ng mga professional first aid kits mula sa Grab Philippines

53

Sumailalim sa first aid and trouble shooting seminar ang 100 tauhan ng PNP Highway Patrol Group na isinagawa ng Grab Philippines.

 

Bukod sa seminar nabigyan ng 24 na pirasong professional first aid kits at 24 na car jumper units ang mga nagsanay na PNP HPG personnel.


 

Tinanggap mismo ni PNP HPG Director Brig Gen Dionardo Carlos ang mga donasyon ng Grab Philippines kaninang umaga sa conference room ng PNP HPG sa Camp Crame.

 

Sa statement ni Brig Gen Carlos sinabi nitong malaking tulong ang mga ibinigay na equipments para mas mapaangat pa ang kapabilidad ng mga tauhan ng PNP HPG sa pagresponde sa mga aksidente sa daan.

 

Partikular kung aksidente sa motorisklo at kakailanganin ng medical attention ng biktima o di kaya ay pagtingin ng kondisyon ng motorisklong sumemplang upang hindi makaabala sa ibang sasakyan sa kalsada.

 

Matatandaang nitong nakalipas na weekend lang nirespondehan ng mga tauhan ng PNP HPG ang isang big bike rider matapos madisgrasya sa may Lucena City sa Quezon Province.

Facebook Comments

From Advertisers