Palasyo, dumepensa sa naging pagdalo ni Baguio City Mayor Magalong sa party ng isang social media influencer

“Huwag basta mag-react.”

Ito ang naging depensa ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko kasunod ng pagbatikos kay Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos itong dumalo sa party na in-organize ng social media influencer na si Tim Yap sa isang hotel sa Baguio.

Ayon kay Roque, dapat alamin muna kung saan ginanap ang pagtitipon at kung saang quarantine restriction level ito nakapaloob.


Pagdidiin pa nito, sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) lamang hindi pinapahintulutan ang mass gathering na lalagpas hanggang sa 10 katao ang dadalo.

Habang sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ay pinapayagan ang hanggang 50 percent capacity sa isang event place basta’t sundin lamang ang minimum health protocols.

Kasabay nito, tiniyak ni Roque na pantay nilang ipinapatupad ang mga batas sa bansa.

Facebook Comments