Ian Veneracion, itinanggi ang pagkakaugnay sa young actress na si Sue Ramirez

151

Mariing itinanggi ng veteran actor na si Ian Veneracion ang pagkaka-ugnay nito sa young actress na si Sue Ramirez.

Ito ay matapos ang kumalat balitang kabit umano ni Ian ang aktres.


Paliwanag ng aktor, pawang kasinungalingan lamang ang ipinapakalat ng mga netizens.

Habang wala rin aniyang katotohanan ang isyung hiwalay na siya sa kanyang asawa dahil nananatili silang happily married sa loob ng 23 na taon.

Matatandaang una nang ipinagtanggol ni Javi Benitez ang kanyang girlfriend na si Sue, kung saan sinabi nitong hindi ito ganoong klase ng babae.

Facebook Comments