Rerespetuhin ng Palasyo anuman ang maging desisyon ng mga mambabatas hinggil sa proposal na gawing special non-working holiday sa probinsya ng Ilocos Norte ang September 11 bilang commemoration sa birth anniversary ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, bago naman ito maging isang ganap na batas ay dadaan muna ito sa mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso.
Matatandaang kahapon pumasa sa final reading ng Kongreso ang nasabing panukalang batas.
Kung maaalala, si Pangulong Duterte ay kilalang malapit sa pamilya Marcos.
Sa katunayan, noong November 2016 ay pinayagan ng Pangulo na ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ng dating diktador sa kabila ng kaliwa’t kanang protesta.
Facebook Comments