Palasyo, hahayaan ang mga motorcycle riders na dumulog sa SC

Manila, Philippines – Tiniyak ng MalacaƱang na hindi nila pipigilan ang mga motorcycle rider na dumulog sa Korte Suprema bilang pagtutol sa Motorcycle Crime Prevention Act o doble plaka law.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, karapatan ng sinuman na magpasaklolo sa korte lalo na kung tingin nila ay labag sa konstitusyon ang nasabing batas.

Aniya, wala rin silang palalampasin sa batas kahit na ang mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na kilala na mahilig na magmotorsiklo.


Facebook Comments