PRRD, inaming lumala ang problema sa illegal drugs

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na lumala ang problema ng ilegal na droga sa bansa nang paigtingin ng kanyang administrasyon ang kampanya laban dito.

Ayon sa Pangulo – huwag dapat magpapakasilaw ang publiko sa bilyun-bilyung pisong halaga ng ilegal na droga.

Ipinunto pa ni Pangulong Duterte na mahirap bantayan ang mga baybayin ng bansa lalo at isang archipelago ang Pilipinas.


Una nang sinabi ng Pangulo na hindi niya ihihinto ang war on drugs hanggang sa katapusan ng kanyang termino.

Facebook Comments