Palasyo, handa pa ring mag-isyu ng travel authority kung nanaisin ni VP Sara na bumiyahe sa ibang bansa

Handa pa ring maglabas ng travel authority ang Malacañang para kay Vice President Sara Duterte sakaling gustuhin nitong bumiyahe palabas ng bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, kung hindi naman nila bibigyan ng travel authority ang bise presidente ay baka akusahan nito ang pamahalaan na pinanghihimasukan ang kaniyang freedom of movement.

Pero sabi ni Castro, na kay VP Sara na ang pagpapasya kung bibiyahe itong muli palabas ng bansa, personal man ito o official trip.

Sa ngayon, sinabi ni Castro na wala silang impormasyon kung lumagpas na ba si VP Sara sa bilang na pupwedeng magleave ang isang government official.

Wala rin aniya siyang detalye kung humingi na ang Bise Presidente ng travel authority patungong Kuwait at marapat na abangan na lamang kung may biyahe ito ngayong Agosto.

Facebook Comments