Palasyo, hiling ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Estrada

Hiling ng Malacañang ang mabilis na paggaling ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada matapos siyang magpositibo sa COVID-19.

Nabatid na isinugod sa ospital si Estrada dahil sa nahirapan siya sa paghinga pero sa ngayon ay nasa maayos na ang kanyang kondisyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, umaasa sila makarekober mula sa sakit ang dating pangulo at isang ‘alamat.’


Una nang kinumpirma nina dating senador Jinggoy Estrada at JV Ejercito ang health condition ng kanilang ama.

Maging ang aktor na si Jake Ejercito ay nanawagan ng dasal para sa agarang paggaling ng 83-anyos niyang ama.

Facebook Comments