Philippine vaccine institute, nais itatag ni Pangulong Duterte

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na matatag ng isang tanggapan o institute na siyang gagawa ng mga bakuna sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, layunin nitong hindi na nakadepende pa ang Pilipinas mula sa iba pang bansa.

Ang mungkahing vaccine institute ay magsisilbing legasiya ng Pangulo bago magtapos ang kanyang termino sa susunod na taon.


Naglaan na ng pondo ang Department of Budget and Management (DBM) para sa pagbuo ng vaccine facility.

Facebook Comments