Palasyo, hinamon si VP Sara na patunayang hindi nagtatrabaho si PBBM

Hinamon ng Malacañang si Vice President Sara Duterte na patunayan ang paratang nitong “hindi nagtatrabaho” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, walang basehan ang pahayag ng Bise Presidente na walang direksiyon at hindi nagtatanong ang Pangulo sa pagpapatakbo ng gobyerno.

Giit ni Castro, personal niyang nasasaksihan kung paano aktibong nagtatanong at nagbibigay ng direktiba si Pangulong Marcos sa mga pulong kasama ang gabinete.

Si VP Sara aniya mismo ang bihirang dumalo sa mga meeting kaya’t hindi nito alam ang aktwal na gawain ng Pangulo.

Dagdag pa ng Palasyo, nakikita ng publiko ang masipag na paglilibot ni Pangulong Marcos, lalo na sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad hindi tulad ni VP Sara na mas madalas makitang nagbabakasyon at bumibiyahe sa ibang bansa.

Facebook Comments