Maituturing pa ring very good ang pinakahuling satisfaction ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa 75% base sa inilabas na survey ng Social Weather Stations o SWS.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, wala namang presidente na hindi bumaba ang trust at satisfaction ratings habang papalapit ang eleksyon.
Dagdag pa ni Roque, natural lang na sa panahon ng eleksyon ay humahanap ang mga kandidato ng paraan para bumaba ang ratings ng administrasyon para manalo.
Paliwanag pa ng kalihim, kung bumaba man ang satisfaction ratings ng punong ehekutibo ay hindi naman ito mabilisang pagbaba.
Mayroon pa aniyang 3 percent margin error kung kaya’t hindi tataas ng 7 points ang ibinaba ng ratings ng pangulo.
Matatandaang November 2020 nang makuha ni Pang. Duterte ang pinakamataas na satisfactory rating na pumalo sa 84 percent sa kabila ng COVID-19 pandemic.