Palasyo, hinikayat ang media practitioners na mag-work from home pa rin kahit nasa ilalim na ng Modified ECQ ang Metro Manila

Hangga’t wala pang bakuna, hindi pa ligtas ang lahat sa COVID-19.

Ito ang paulit-ulit na paalala ng Palasyo ng Malakanyang kasunod ng pagsasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ng halos lahat ng lugar sa bansa maliban na lamang sa Metro Manila, Laguna at Cebu na mananatili sa Modified Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kasunod nito, sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na mainam para sa mga journalist at iba pang media workers na manatiling mag-work from home lalo sa mga lugar na sakop pa rin ng MECQ.


Paliwanag ni Roque, ang general rule sa ngayon o ang ‘new normal’ ay work from home upang maiwasan ang paglaganap ng nakamamatay na sakit.

Sa ilalim ng modified ECQ, maaari nang magbalik ang media operations sa 100% pero dapat ay sumusunod pa rin sa safety protocols, pero sa kabilang banda maaari pa ring 50% lamang ang media workforce at ang kalahati ay work from home.

Samantala, sa Malacañang Press Corps, mananatili ang online press briefing at magtutuluy-tuloy pa rin ang araw-araw na virtual press conference para magbigay ng mga napapanahong mga impormasyon.

Matatandaan nitong 2019, sumailalim si Roque sa medical procedure dahil sa unstable angina coronary disease.

Facebook Comments